Ilan pang suspek sa ‘Mark Nagoyo’ breach ng BDO tinutunton ng NBI

Ilan pang suspek sa ‘Mark Nagoyo’ breach ng BDO tinutunton ng NBI

January 22, 2022 @ 1:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tinutunton na ng National Bureau of Investigation ang iba pang suspek sa hacking ng BDO Unibank accounts na naiulat doong Disyembre.

Ayon sa head ng cybercrime division ng NBI na si Victor Lorenzo, natukoy na nila ang ilan pang indibidwal na may koneksyon sa account breach kung saan umabot sa 700 ang apektadong BDO Unibank clients.

“Ang maganda ho naman du’n, kilala na natin sila,” ani Lorenzo.

 “Dati kasi mga pseudonym lang, mga fake account. ’Yun lang pakilala nila. Pero sa ngayon, at least kilala na natin sila. It’s only a matter of time.”

Sa ngayon, lima na ang nahuli sa insidente na kinasangkutan ng dalawang Nigerian.   RNT/FGDC