Ilan sa mga Pinoy, mas gustong mag-online shopping ngayong holiday – FB study

Ilan sa mga Pinoy, mas gustong mag-online shopping ngayong holiday – FB study

October 9, 2018 @ 1:44 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kalahati sa mga Pinoy holiday shoppers ang mas gusto na lang ngayong mamili sa online kesa pumunta pa ng mall.

Ayon ito sa pag-aaral ng Facebook kung saan lumalabas na 50% ng mga shoppers na may edad na 18 pataas ang mas gusto na lang na mag-mobile shopping kesa makipagsapalaran pa sa trapik at pumunta sa mga mall.

Matatandaang naglabas na ang MMDA ng bagong mall hours para sa mga holiday shoppers at maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay Facebook PH country head John Rubio, hindi mapagkakaila na sikat at uso talaga sa bansa ang e-commerce ngayon at nakikilala ito sa kakaibang paraan.

“It exists in the form of, for instance, HM po?” aniya na tumutukoy sa salitang netizen na ‘how much po (HM po).

“People ask ‘HM po’ because it starts a conversation,” dagdag pa ni Rubio.

Bukod sa HM po, uso rin ang mga salitang RFS (reason for selling), COD (cash on delivery) at marami pang ibang kilala.

Sa katunayan aniya ay tumaas na ng 20 porsiyento ang average ng mga first time mobile shoppers.

Habang nasa 64 percent naman ang mga shopper na pumupunta sa online para lang mag-window shopping at alamin ang kanilang pwedeng mabili sa actual stores. (Remate News Team)