Ilang aktibidad sa distance learning mananatili sa F2F classes – DepEd

Ilang aktibidad sa distance learning mananatili sa F2F classes – DepEd

February 3, 2022 @ 1:51 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Target ng Department of Education na panatilihin ang ilang aktibidad na ginagawa sa distance sa Pilipinas oras na bumalik na ang lahat sa normal mula sa pandemya.

“Maraming aspeto nitong distance learning, na ibig sabihin, will become regular features when we go back to normal,” ani DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

“There are many things in the learning delivery process na nabuksan nitong panahon ng pandemic that will become regular features of teaching and learning.”

Dahil sa banta ng COVID, maaalalang isinagawa ng DepEd ang distance learning kung saan sa bahay nagsasagawa ng pag-aaral at pagtalakay sa leksyon.

Habang nasa 60% naman ng curriculum ang na-adjust para sa remote learning approach. RNT/FGDC