Ilang bahagi ng bansa uulanin dahil kay ‘Florita’

Ilang bahagi ng bansa uulanin dahil kay ‘Florita’

June 30, 2018 @ 11:51 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Magdudulot ng pag-ulan sa bahagi ng Ilocos, Cordillera Administrative region at Cagayan Valley ang bagyong tinawag na ‘Florita’.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 775 kilometers silangan ng Basco, Batanes na patuloy na umuusad ng northwest na may bilis na 8 kilometer per hour.

May dala itong hanging 75 kph at bugsong hanggang 90kph.

Lumakas ang low pressure area (LPA) Florita nang makapasok at maging bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Biyernes ng madaling araw, June 29.

Ito ang ika-6 na bagyong pumasok sa bansa ngayong 2018.

Kadalasang hindi bababa sa 20 ang bagyong pumapasok sa Pilipinas kada taon.

Dahil paakyat ang bagyo, inaasahang hindi magla-landfall si Florita sa Pilipinas.

Wala ring itinaas na signal ng bagyo, ngunit nagbabala ang PAGASA na palalakasin nito ang hanging habagat, na magdudulot ng malalakas na pag-ulan ngayong weekend.

Batay sa huling forecast, inaasahang makakalabas na sa bansa ang bagyo bukas ng umaga, Linggo July 1.  (Nenet L. Villafania)