Ilang bahagi ng bansa, uulanin sa ITCZ

Ilang bahagi ng bansa, uulanin sa ITCZ

November 13, 2022 @ 7:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang uulanin ang ilang bahagi ng bansa partikular na ang Southern Mindanao ngayong araw, Nobyembre 13 dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ito ang sinabi ng PAGASA sa kanilang forecast kung saan maliban dito, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng naturang weather system at localized thunderstorm.

Dahil dito ay inaasahan ang pagbaha o landslide sa kasagsagan ng mga severe thunderstorm.

Wala namang namataan na bagyo sa bansa ayon sa huling ulat. RNT/JGC