Ilang bahagi ng Luzon at Visayas, uulanin dahil sa Habagat

Ilang bahagi ng Luzon at Visayas, uulanin dahil sa Habagat

July 7, 2018 @ 8:48 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Patuloy na mararamdaman ang mga pag-ulang hatid ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Bataan, Batangas, Mindoro, Palawan at kanluran-gitnang bahagi ng Visayas.

Habang mararanasan naman ang maalinsangang panahon na may posibilidad lang ng pag-ulan dahil sa localized thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, patuloy pa ring binabantayan ang ‘super typhoon’ na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na ‘Maria’.

Sa pagtaya ng ahensiya, huli itong namataan sa layong 2,005 kilometro Silangan ng Gitnang Luzon na nagtataglay ng lakas ng hanging aabot 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 225 kilometro kada oras.

Kumikilos su super typhoon Maria papuntang Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kph at posibleng pumasok sa bansa sa Lunes.

Bagama’t hindi inaasahang tatama sa kalupaan, inaasahan pa ring hahatakin nito ang Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng kapuluan. (Remate News Team)