Ilang bahagi ng Luzon, uulanin pa rin

Ilang bahagi ng Luzon, uulanin pa rin

June 22, 2018 @ 9:34 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang southwest monsoon o Habagat sa Kanluran bahagi ng Katimugan at Gitnang Luzon ngayong Biyernes, June 22.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kalat-kalat na pagkidlat-pagkulog ang Ilocos Region, Palawan, Zambales at Bataan

Habang ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Tinatayang aabot sa 37 degrees Celsius ang temperaturang mararanasan sa Tuguegarao City at 32 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Maaliwalas na panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao at hindi inaasahan ang matagalang mga pag-ulan ngunit may mga pag-ulang mararanasan dulot lamang ng localized thunderstorms. (Remate News Team)