Ilang bahagi ng Luzon uulanin sa Amihan

Ilang bahagi ng Luzon uulanin sa Amihan

January 29, 2023 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa shear line at northeast monsoon o Amihan.

Ito ang iniulat ng PAGASA kung saan ang Bicol region at Northern Samar ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil naman sa shear line.

Amihan naman ang makakaapaketo sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na kalangitan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm. RNT/JGC