Ilang bahagi ng Luzon uulanin

Ilang bahagi ng Luzon uulanin

March 16, 2019 @ 8:51 AM 3 years ago



Manila, Philippines – Asahan na ang maulap na may kasamang mahihinang pag-ilan na dulot ng northeast monsoon sa bahagi ng Ilocos Region, at sa Batanes at Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, uulanin din ang Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region, Aurora, at Quezon dahil naman sa tail-end of a cold front.

Habang makararanas din ng kalat-kalat ng pag-uulan ang nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, huling namataan ang binabantayang tropical depression sa layong 1,595 kilometrong Silangan ng Mindanao kaninang alas-3 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras, at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Bumabagtas ang tropical depression pa-Kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras. (Remate News Team)