Ilang bahay sa Ugbo, Tondo nasunog

Ilang bahay sa Ugbo, Tondo nasunog

December 16, 2021 @ 8:51 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Tinupok ng sunog ang ilang kabahayan sa bahagi ng kilalang “Ugbo” sa Velasquez  sa Tondo, Maynila kagabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, tinatayang aabot sa P50,000 ang nilamon ng apoy na mga bahay at ari-arian .

Sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay na pag-aari ni Emma Dela Cruz sa 2127 Velasquez St., Brgy 96, Zone-8, District-1, Maynila.

Pasado alas-9 ng gabi nang iakyat sa unang alarma ang sunog at umabot lamang sa pangalawang alarma bago idineklarang naapula makalipas ang isang oras.

Wala namang naitalang nasugatan sa sunog ngunit apektado ang siyam na pamilya na nasunogan at nawalan ng tirahan.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na nagsimula umano sa harapang bahagi ng  ikalawang palapag ng bahay ni Dela Cruz. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)