Ilang barangay sa Caloocan, Valenzuela magdamag mawawalan ng kuryente

Ilang barangay sa Caloocan, Valenzuela magdamag mawawalan ng kuryente

November 22, 2022 @ 10:23 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mawawalan ng kuryente sa ilang barangay sa Caloocan at Valenzuela simula Miyerkules, Nobyembre 23 dahil sa relocation at facility upgrading activities ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Mamumuhay sa dilim ang mga nakatira sa GSIS Hills Subdivision sa Caloocan City mula 11:00 p.m. ng Nobyembre 23 hanggang 6:00 a.m. ng Huwebes, Nobyembr 24.

Kailangan ding magtiyagang magpaypay para makatulog ng mga residente ng Doña Marciana Subdivision, Hobart Village 2, Barrios Compound, Sitio Ulok at Toyota North Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Service Center sa Barangay Ugong, Valenzuela City sa mga nasabing oras at araw.

Ilang bahagi naman ng Barangay Dalandanan, Valenzuela kabilang ang A. Marcelo St. malapit sa MacArthur Highway hanggang Lorenzo Compound ang mapuputulan ng suplay ng kuryente mula 11:00 a.m. Miyerkules hanggang 4:00 a.m. ng Huwebes. Merly Iral