Ilang biyahe ng barko suspendido sa LPA – PPA

Ilang biyahe ng barko suspendido sa LPA – PPA

January 11, 2023 @ 7:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang suspendido ang byahe ng mga barko sa ilang mga probinsya ngayong araw, Enero 11 dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), partikular na sinuspindi ang mga byahe sa Zamboanga, Sulu at Tawi-Tawi.

Ang pag-suspende ay dulot ng nag-babadyang ulan at banta ng Low Pressure Area (LPA) sa lugar.

Inaabisuhan ng PPA na maghintay sa travel advisory bago mag-punta sa pantalan upang maiwasan ang abala. Jocelyn Tabangcura-Domenden