Ilang branch ng SSS pansamantalang isinara sa disinfection

Ilang branch ng SSS pansamantalang isinara sa disinfection

February 2, 2022 @ 11:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ilan sa mga branch nito ang pansamantalang isinara para sa pagsasagawa ng disinfection laban sa COVID-19.

Sa abiso ng SSS, bunsod ito ng pagkahawa ng “significant number” ng kanilang mga empleyado sa COVID-19, o ‘di naman kaya ay pagiging close contacts ng mga ito sa mga nagpositibo, habang ang iba ay nakakwarantin naman.

“Some SSS Branches have to temporarily close or shorten their operating hours. The closures are also needed to allow decontamination procedures in their premises,” anang SSS.

“We request the kind understanding for our members and employers on the longer processing times of claims and applications due to the reduced onsite capacity for transactions,” dagdag pa sa abiso.

Kaya naman, hinihikayat ng SSS ang kanilang mga myembro maging employers na sa online na lang isagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App. RNT