Ilang dalampasigan sa Samar, E. Samar, inilagay sa red tide alert

Ilang dalampasigan sa Samar, E. Samar, inilagay sa red tide alert

September 10, 2022 @ 4:16 PM 2 weeks ago


SAMAR – Nagpositibo sa nakalalasong red tide ang mga nakuhang sample ng lamang-dagat sa San Pedro Bay, Basey, Samar.

Ayon ito sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kanilang pinakahuling abiso.

Kabilang rin sa mga lugar na positibong mayroong red tide ay ang General McArthur, Hernani, Quinapondan, Guian at Salcedo sa Eastern Samar.

Dahil dito ay agarang ipinag-utos ng BFAR ang shellfish ban mula sa mga nabanggit na lugar.

Sa ilalim ng shellfish ban ay bawal muna ang pagkuha, pagkain o pagbili ng anumang klase ng lamang dagat, alamang o hipon mula sa mga nasabing dalampasigan. RNT/JGC