Ilang diplomat nag-courtesy visit kay BBM

Ilang diplomat nag-courtesy visit kay BBM

May 30, 2022 @ 4:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Apat na diplomats ang nagsagawa ng courtesy call kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes.

Kabilang dito sina Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho, European Union Ambassador to the Philippines Luc Vèron, France Ambassador to the Philippines Michelle Boccoz, at British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

Ayon sa kampo ni Marcos, nangako ang mga diplomat na palalakasin ng mga ito ang ugnayan sa kalakalan at dimplomasya sa Pilipinas, gayundin ang magkaparehong interes sa demokrasya at pagbangon ng ekonomiya.

“We are hopeful that we can continue to grow this bilateral economic relationship with the Philippines and it will continue to flourish,” saad ni Ho.

“We see a lot of growth potential in the Philippines and we hope to see more Singapore companies coming in to the Philippine markets,” dagdag nito.

Binigyang-diin naman ni Beaufils ang matatag na pagkakaibigan ng UK at Pilipinas.

“We were able to discuss areas of particular joint interest where we want to further work together and expand, and broaden and deepen our collaboration. For example, as you know, the President-elect is very focused on economy and boosting the economy after the pandemic, and we were able to discuss what the UK has been doing in that space, and what more we will do to support businesses, support trade, support investments, infrastructure in particular,” ani Beaufils.

“We spoke about energy, climate change, the UK’s support in that space, in particular, on energy transition and also on adaptation,” aniya pa.

Tinalakay din ni Beaufils kay Marcos ang peace process sa Mindanao, human rights, at maging ang media freedom.

Hindi naman nagawang humarap sa media ng mga ambassadors mula sa France at EU dahil sa kanilang mga prior commitment pagkatapos ng courtesy visit.

Noong nakaraang linggo, una nang nag-courtesy call kay Marcos sina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, South Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul, India Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran, at US Chargé d’Affaires Heather Variava. RNT/ JCM