Ilang fast food chains, ipinanawagang i-boycott!

Ilang fast food chains, ipinanawagang i-boycott!

June 28, 2018 @ 3:06 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nais ng ilang workers group na i-boycott ng mga consumers ang ilang kilalang fast food chains at bakeshops sa bansa.

Ito’y bunsod nang patuloy na pagsuway ng mga ito sa kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular sa trabaho ang kanilang mga manggagawa.

Nanawagan ang Defend Job Philippines (DJP)  at Samahan ng Manggagawa ng Jollibee Food Corporations (JFC) na i-boycott ng publiko at maging ng mga Filipino sa abroad ang mga establisimyento ng Jollibee, Chowking, Greenwich, Red Ribbon,Yong He King Hong, Zhuang Yuan ,Mang Inasal, Burger King, Highlands Coffee ,Pho24 12 Hotpot,at  Dunkin’ Donuts Smashburger .

Nabatid na ang JFC ang nagkakaloob ng work logistic sa mga naturang establisimiyento.

Iginiit naman ng Samahan ng Manggagawa ng JFC na itigil na ang kontraktuwalisasyon at mass lay off ng mga manggagawa.

Ikinasasama ng loob ng mga manggagawa na sa kabila ng inisyu ng DOLE na compliance order  na nag aatas sa JFC na i-regular nanang mga contractual workers pero hindi pa rin ito tumatalima hanggang sa ngayon.

Sinasabing nangunguna ang JFC sa mga kumpanya sa Pilipinas sa illegal labor-only contracting scheme. (Macs Borja)

(Remate File Photo)