Ilang flight pa-Japan, kanselado sa sama ng panahon

Ilang flight pa-Japan, kanselado sa sama ng panahon

September 19, 2022 @ 2:53 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kanselado ang ilang flight ng eroplano patungong Japan dahil sa sama ng panahon ngayong Lunes, Setyembre 19.

Sa statement ng Manila International Airport Authority, ang mga sumusunod na flights ay kanselado:

Philippine Airlines PR 438/437 byaheng Manila, Nagoya at pabalik.

Philippine Airlines PR 426/425 byaheng Manila, Fukuoka at pabalik.

Philippine Airlines PR 412/411 byaheng Manila, Osaka at pabalik.

Cebu Pacific 5J 828/827 byaheng Manila, Osaka at pabalik.

Patuloy lamang na umantabay sa balitang ito para sa karagdagang ulat. RNT/JGC