Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

July 20, 2018 @ 9:28 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Dalawang domestic flight ng Air Asia ang kinansela ngayon umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa dulot ng Habagat at ng Bagyong Inday.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, hindi na natuloy ang biyahe ng Air Asia na may flight  Z2 438/439 Manila-Puerto Princesa-Manila

Samantala, dalawang international flight ng Cebu Pacific ang na-divert sa Clark International Airport (CIA) dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon.

Kabilang dito ang flight DG-752 mula Saigon na nakatakda sanang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng alas-7:04 ng umaga, at ang flight DG 679 mula Shanghai Pudong na papuntang Manila ay nakatakdang dumating ng alas-7:50 ng umaga.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa mga naturang airline company para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe. (Dave Baluyot)