Ilang flights sa NAIA terminal 2, ililipat

Ilang flights sa NAIA terminal 2, ililipat

November 25, 2022 @ 1:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Simula Disyembre 1 ay ililipat na ang ilang mga flights mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 patungo sa Terminal 1 ng nasabing paliparan.

Sa Laging Handa public briefing, inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Brian Co  na gagawin nila ang hakbang upang mapaluwag ang Terminal 2 dahil na din sa dami ng flight ng Philippine Airlines.

Aniya, mas maluwag ang NAIA Terminal 1 at kayang mag-accommodate pa ng mga flights na magmumula sa Terminal 2.

Magsisilbi aniyang pambalanse ang hakbang na ito upang hindi naman maging siksikan ang terminal 2 lalo na ngayong holiday season.

Sa kabilang dako, apektado ng naturang hakbang ang mga papunta at parating galing ng Estados Unidos, Canada at Middle east.

Samantala, bunsod ng  inaasahang  pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, winika ni Co na magdaragdag sila ng manpower kabilang na ang mga ground handlers habang titiyakin din ng kanilang operations na ligtas ang mga bumibiyaheng eroplano ngayong inaasahang pagdami ng volume ng mga biyahero. Kris Jose