Ilang grupo nagprotesta vs dredging, reclamation projects sa Kabite

Ilang grupo nagprotesta vs dredging, reclamation projects sa Kabite

February 25, 2023 @ 2:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng ilang grupo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Biyernes na itigil ang dredging atreclamation projects sa Cavite, at sinabing mapanganib ito sa mga mangingisda at marine life sa lugar.

“We have observed several impacts of offshore sand extraction, including the disturbance and displacement of fish caused by the noise pollution from dredging equipment,” pahayag ni Aries Soledad, fisherfolk advocate Pamalakaya-Cavite provincial coordinator.

Naobserbahan din ang pagbaba ng fish stocks, batay sa grupo.

Sinabi pa ni Marina Cavan ng youth organization na National Network of Agrarian Reform Advocates na naisasaalang-alang ang kaligtasan ng mga mangingisda sa pagdudulot ng dredging activities ng “intense tidal waves”.

Saklaw ng quarrying activities ang municipal waters ng Ternate, Rosario, at Naic.

Sinabi ng Pamalakaya na nakapagtala ito ng kabuuang 187 reclamation projects sa bansa— saklaw ang mahigit 25,000 ektarya ng fishing waters. Hindi naman bababa sa 30 sa mga proyektong ito ang isinasagawa sa Manila Bay Area.

Samantala, hinikayat ng women’s group na Amihan ang pamahalaan na isulong ang “genuine rehabilitation,” at kilalanin ang karapatan ng mga mangingisda.

“We join the call to defend Manila Bay and fishing rights, right to food, right to shelter and poor sectors’ socio-economic rights, who were affected by the reclamation projects in Cavite and other provinces,” ani Zen Soriano, national chairperson ng Amihan. RNT/SA