Ilang kabahayan sa Samapaloc damay sa sunog dulot ng maliit na apoy

Ilang kabahayan sa Samapaloc damay sa sunog dulot ng maliit na apoy

September 12, 2022 @ 9:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nawalan ng tirahan ang 20 pamilya matapos masunog ng isang residential compound sa Loreto kanto ng Honradez Street sa Sampaloc, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Sa bilis ng pagkalat ng apoy, naging hamon samga bumbero na apulahin ang sunog.

Karamihan sa mga tahanan ay gawa sa light materials, bukod pa sa makitid ang eskinita sa lugar.

Base sa apektadong residente, nag-umpisa ang sunog sa isang maliit na apoy lamang. Ilang minuto lamang umano ay kumalat na ang apoy sa iba pang mga kabahayan.

Kinailangan pang tumalon ng ilang residente sa bintana upang makaligtas sa sunog.

Itinaas hanggang ikalawang alarma ang sunog. Pasado alas-12 na ng madaling araw na naapula ang sunog na tumagal ng halos isang oras.

Batay sa Bureau of Fire Protection, mahigit-kumulang P150,000 ang halaga ng mga napinsala. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente. RNT/SA