Ilang kalsada isasara sa mga motorista sa reblocking sa Oct 14-17- MMDA

Ilang kalsada isasara sa mga motorista sa reblocking sa Oct 14-17- MMDA

October 15, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inabisuhan ang mga motorista na dumaraan sa Pasig City at Quezon City ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na dumaan sa mga alternatibong ruta ngayong weekend dahil ilang daan ang sasailalim sa reblocking mula Oktubre 14 hanggang 17.

Nagsimula ang concrete reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways na alas-11 ng gabi nitong Biyernes.

Kabilang sa mga isasarang bahagi ang third lane mula sa sidewalk ng NB stretch ng EDSA sa Quezon City (pagkalampas ng Boni Serrano flyover). 

Kabilang sa mga daan na apektado ng reblocking at repair ang:

  • C-5 Road Pasig City truck lane

  • (KM 15 + 171 to KM 15 + 665)

  • C-5 Road Brgy. Bagong Ilog sa tapat ng Corazon Funeral Services

  • 4Fairview Avenue NB Quezon City sa pagitan ng Yakal St., at Milano Dr., (2nd lane mula sa sidewalk)

  • Cloverleaf EDSA NB hanggang segment ng NLEX SB (I inner lane)

  • Roosevelt Avenue corner EDSA SB

  • Payatas Road, Quezon City malapit sa AMLAC Ville Subdivision

  • EDSA SB Quezon City (Balingasa Creek to Olivers Footbridge)

Muling madaraanan ang mga kalsada sa Lunes, alas-5 ng umaga. RNT/SA