Ilang kalsada malapit sa Manila North Cemetery, isasara

Ilang kalsada malapit sa Manila North Cemetery, isasara

October 22, 2022 @ 1:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Biyernes, Oktubre 21 na pansamantala nilang isasara ang ilang kalsada malapit sa Manila North Cemetery para sa selebrasyon ng Undas ngayong taon.

Sa abiso, pagsapit ng alas-10 ng gabi ng Oktubre 31, Lunes, hanggang alas-5 ng hapon ng Miyerkules, Nobyembre 2 ay sarado ang mga sumusunod na kalsada:

Stretch of Aurora Boulevard (from Dimasalang Rd. to Rizal Avenue)

Stretch of Dimasalang Rd. (from Makiling St. to Blumentritt Rd.)

Stretch of P. Guevarra (from Cavite St. to Pampanga St.)

Stretch of Blumentritt (from A. Bonifacio to P. Guevarra St.)

Stretch of Retiro (from Dimasalang Rd. to Blumentritt Ext.)

Stretch of Leonor Rivera (from Cacite St. to Aurora Blvd.).

Ang mga apektadong drayber naman ng mga jeepney ay inaabisuhan na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta.

Mula sa Rizal Avenue/Blumentritt, kumanan sa L. Rivera o Isagani, kumanan sa Antipolo patungo sa direksyon ng pupuntahan.

Ang mga jeepney na magmumula sa Amoranto St. (Quezon City) ay dapat kumanan sa Calavite at kumanan ulit sa A. Bonifacio Avenue patungo sa lugar na pupuntahan.

Samantala, ang mga PUJs na magmumula sa Dimasalang ay dapat kumanan sa Makiling St. at kumanan ulit sa Maceda St. patungo sa lugar na pupuntahan.

Naglaan naman ang Manila LGU ng parking areas sa mga bibisita sa nasabing sementeryo. Ito ay ang mga sumusunod:

Stretch of Craig Street;
Stretch of Simon Street;
Stretch of F. Huertas Street;
Stretch of Bulacan Street;
Stretch of Tecson Street;
Stretch of P. Guevarra Street;
Stretch of Sulu Street;
Stretch of Oroquieta Street;
Stretch of Metrica Street;
Stretch of Natividad Street;
Stretch of M. Hizon Street; and
Stretch of Kalimbas Street.

Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, inaasahan nila ang 7 hanggang 10 milyon katao na bibisita sa sementeryo sa darating na Undas ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden