Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Bar exams

Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Bar exams

November 4, 2022 @ 3:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) ang pagsasara ng ilang mga kalsada sa paligid ng dalawang unibersidad kung saan gaganapin ang 2022 Bar examinations sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20.

Sa abiso, magkakaroon ng traffic rerouting scheme sa mga kalsada sa paligid ng San Beda University at De La Salle University.

Ang mga isasarang kalsada ay ang mga sumusunod:

San Beda University – Isasara ang Mendiola Street mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Concepcion Aguila Street – isang lane lamang ang padadaanan para sa mga residente sa lugar.

1st, 2nd, 3rd, and 4th Street – sarado mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Magiging alternatibong ruta naman para sa mga apektadong motorista ang Ramon Magsaysay Boulevard patungong Legarda Street.

Para naman sa De La Salle University,

Taft Avenue Northbound – sarado mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Taft Avenue Southbound – sarado mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Para sa direksyong southbound, ang mga motorista ay inaabisuhang kumanan sa Quirino Avenue, kumaliwa sa Adriatico Street, kaliwa sa P. Ocampo Street patungo sa destinasyon.

Samantala, ang mga patungong norte naman ay dapat kumanan sa Ocampo Street, kumaliwa sa Arellano Street, kumaliwa sa Estrada Street at kumanan sa Taft Avenue. RNT/JGC