Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Linggo, Hunyo 19

Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Linggo, Hunyo 19

June 16, 2022 @ 10:31 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa Maynila sa Hunyo 19 para sa gaganaping marathon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara sa trapiko mula alas 3 ng madaling araw hanggang alas 9 ng umaga ang ilang bahagi ng Lungsod para sa Rock ‘n’ Roll Running Series marathon gayundin mula alas 3 ng hapon.

Kabilang sa mga  saradong kalsada ay ang Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue; Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive; Katigbak Drive at South Drive Independence Rd.; P. Burgos Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge; Ma. Orosa St. mula P. Burgos hanggang Kalaw; Finance Rd. mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue; Northbound lane ng Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue; Muralla St. mula Sta. Lucia St. hanggang Real St.; Real St. mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St.; Sta. Lucia St. mula Real St. hanggang Muralla St.; Quintin Paredes St. mula Jones Bridge hanggang Ongpin St.

Magpapatupad naman ng rerouting kung saan ang mga light vehicles na mula sa northbound lane ng Taft Avenue na dadaan sa P. Burgos Avenue, maaring kumanan sa Ayala Boulevard para makarating sa kanilang destinasyon.

Maari ding kumanan sa Kalaw Avenue papunta sa Taft Avenue ang mga manggagaling sa Ma.Orosa St at dadaan sa P.Burgis Avenue

Ang mga sasakyan naman na manggagaling naman sa A. Mabini Street, maari ring kumanan sa Kalaw Avenue papunta sa Taft Avenue. Mula sa Pasay papuntang Roxas Boulevard, maaring dumaan sa P. Ocampo Street.

Sa mga galing ng Delpan Bridge, kumaliwa sa A. Soriano Avenue papuntang Magallanes Drive.

Habang ang mga malaking sasakyan tulad ng trak na manggagaling ng Delpan Bridge ay maaring dumaan sa Anda Circle papunta sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard papuntang C-3.

Para sa mga manggagaling sa Pres. Quirino Avenue, maaring dumaan sa Nagtahan Bridge papuntang Lacson Avenue.

Paalala ng MMDA, ang oras ng pagsasara at pagbubukas ng apektadong kalsada ay depende sa magiging bigat ng daloy ng trapiko sa mismong araw ng marathon. Jocelyn Tabangcura-Domenden