Ilang kalsada sa Metro Manila, hindi na passable dahil sa baha

Ilang kalsada sa Metro Manila, hindi na passable dahil sa baha

July 20, 2018 @ 9:36 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Ilang mga kalsada ang idineklarang ‘not passable’ o hindi madaraanan ng mga motorist dahil sa baha na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na abiso ng Makati Traffic, hindi na passable ang Brgy. San Isidro, particular sa kalsada ng Gil Puyat-Filmore na may 40 inches na baha at Osmeña Highway na may 24 inch na taas ng baha.

Samantala, hindi na rin passable kaninang alas-6 ng umaga ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalsada sa MIA Domestic Park & Fly at Manila Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. (Remate News Team)

 

REMATE FILE PHOTO