MANILA, Philippines – Sarado sa motorista ang Dimasalang Road corner Maceda Street at Lacson Avenue sa Manila sa ilang partikular na oras mula Pebrero 16 hanggang Marso 2, 2023.
Simula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga ay sarado sa trapiko ang lugar sa nasabing mga araw.
Ang pansamantalang pagsasara ng kalsada ay upang bigyan daan ang instolasyon ng steel box para sa NLEX-SLEX Connector Road Project Section 1, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Sa panahong ito, aalisin ng pribadong kontratista ang safety net at mga bracket mula sa Pier 116 hanggang Pier 117.
Ang katabing kalsada gaya ng Basilio at Instruction Streets hanggang Blumentrit ay mananatiling bukas sa mga motorista.
Ang NLEX-SLEX Connector Road, ay public-private partnership project mg gobyerno at Metro Pacific Tollways Corp., na nagdudugtong sa North at South Luzon Expressways.