Ilang kompanya naglabas na ng abiso sa oil price hike

Ilang kompanya naglabas na ng abiso sa oil price hike

March 28, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes.

Base sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., magtataas ito sa preesyo kada litro ng gasolina ng P3.40, diesel ng P8.65, at kerosene ng P9.40.

Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petro Gazz ang parehong pagbabago, maliban sa kerosene.

Ipatutupad ang naturang price hike bukas ng alas-6 ng umaga sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng taas-presyo ng alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Inaasahang magkakaroon din ng pagtaas sa presyo ng langis sa iba pang kompanya sa linggong ito. RNT/SA