Ilang komunidad sa Mindanao, tutol sa COVID-19 vaccination- PDu30

Ilang komunidad sa Mindanao, tutol sa COVID-19 vaccination- PDu30

January 25, 2022 @ 8:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa ilang komunidad sa Mindanao ang tutol sa COVID-19 vaccine dahil sa kanilang mga paniniwala.

“I think the Muslim community dito sa Pilipinas, mukha ang karamihan is of the belief that it is not allowed by their, I don’t know, religion. I might be mistaken, it could be that or something else sa culture nila… But in Mindanao, just an information, in Mindanao, the Muslim community are resisting the bakuna even the Tausugs,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Napanood kasi ng Pangulo ang ilang pasahero na na-stranded sa port o daungan dahil hindi bakuando.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang mga indibiduwal na ito ay kinabibilangan ng mga Tausug.

Aniya, nakakauwi naman sa kani-kanilang probinsiya ang mga negatibo ang resulta sa antigen tests.

Sa ilalim ng bagong polisiya ng pamahalaan, tanging ang mga fully vaccinated individuals lamang sa National Capital Region ang maaaring sumakay sa public transportation vehicles habang ang rehiyon ay nasa ilalim ng Alert Level 3 o mataas pa.

Ang Alert Level 3 ay kasalukuyan ngayong epektibo sa NCR hanggang Enero 31.

“Exemptions to the policy include persons with medical conditions that prevent their full COVID-19 vaccination as proven by a duly signed medical certificate with the name and contact details of their doctor,” ayon sa ulat.

Hindi rin saklaw ng polisiya iyong mga bibili ng “essential goods and services,” gaya ng subalit hindi limitado sa pagkain, tubig, medisina, medical devices, public utilities, energy, work, at medical and dental necessities, na makikita sa ipinalabas na barangay health pass o iba pang pruweba na magpapatunay ng pagbyahe.

Noong nakaraang linggo, may ilang pasahero ang overnight na nag-camped out sa labas ng Manila North Port passenger terminal matapos na sila’y ma-stranded dahil sa nakabinbing “fulfillment of requirements” na ipinatupad ng local government units sa kanilang destinasyon. Kris Jose