Ilang korte ikakandado ‘gang katapusan ng Enero sa paglobo ng COVID

Ilang korte ikakandado ‘gang katapusan ng Enero sa paglobo ng COVID

January 21, 2022 @ 4:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Ilan pang korte ang isasara simula ngayong Biyernes hanggang sa matapos ang Enero, matapos isailalim ng pamahalaan ang ilan pang lugar sa coronavirus disease (COVID-19) Alert Level 3 at Level 4, ayon sa Supreme Court. 

Sa bagong circular, sinabi ni Supreme Court Deputy Court Administrator Raul Villanueva na inatasan ang  judges, court personnel, at court users na sumunod sa guidelines ng naturang pansamantalang pagsasara.

Iniutos ng Supreme Court ana pansamantalang isara ang mga korte sa 27 pang lugar noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang sarado ang mga korte sa mga sumusunod na lugar: 

  • Apayao

  • Puerto Princesa City 

  • Masbate

  • Siquijor

  • Zamboanga Del Norte

  • Zamboanga Sibugay 

  • Lanao Del Norte 

  • Davao De Oro

  • Davao Oriental

  • North Cotabato

  • Sarangani

  • Sultan Kudarat

  • Surigao Del Norte

  • Maguindanao

  • Basilan 

Ang mga korte naman sa Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar — na kasalukuyang nasa Alert Level 4 — ay sarado hanggang matapos ang buwan sa pagsasailalim sa mga lugar sa Alert Level 3 noong isang linggo. RNT/SA