Ilang LSIs sa Rizal Stadium nakaalis na, nag-iwan ng gabundok na basura

Ilang LSIs sa Rizal Stadium nakaalis na, nag-iwan ng gabundok na basura

July 27, 2020 @ 5:15 PM 1 week ago

Share

Manila, Philippines – Nitong nakaraang mga araw ay ikinagulat ng Department of Health maging ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang biglaang pagdagsa ng locally stranded individuals (LSIs) sa stadium dahil sa pagbabakasakali na makapagpatest at makauwi na sa kani-kanilang mga probinsya.

Hindi na rin inalintana ng mga LSIs ang malakas na pagbuhos ng ulan kung saan nakalusong na sa tubig baha na hindi alintana ang maaring makuhang sakit tulad ng leptospirosis at maging ang kanilang mga dala-dalang mga bagahe ay nabasa na rin sa ulan.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay muling sasailalim sa confirmatory test o RT-PCR test.

Sakali namang lumabas na postibo sa swab test ang mga LSI ay agad silang dadalhin sa quarantine facility habang papayagan nang makabiyahe kasunod ng assessment ng doktor.

Nasa 3,800 LSIs na rin ang napauwi ng Hatid Tulong program kung saan isinakay ang mga ito sa apat na barko ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong Caraga Region.

Nabatid na umabot sa 8,000 ang mga LSI na dumagsa at nakipagsiksikan sa Rizal Memorial Stadium.

Una na ring sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ikinalulungkot ng Kagawaran ang biglaang pagdagsa ng mga LSI sa Rizal Stadium dahil hindi na aniya nasunod ang health protocols lalo na ang social distancing na maaring makapagdulot ng pagkahawa-hawa sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Crismon Heramis

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...