Ilang lugar sa Cainta, Mandaluyong mawawalan ng tubig sa Dec. 8-9, 13-14   

Ilang lugar sa Cainta, Mandaluyong mawawalan ng tubig sa Dec. 8-9, 13-14   

December 8, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Manila Water Company (Manila Water) ang water interruption dahil sa service improvement activities sa bahagi ng Cainta, Rizal, at Mandaluyong City mula Dec. 8 hanggang 9 at Dec. 13 hanggang 14.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:

  • Bahagi ng Barangay Sto. Domingo sa Cainta, Rizal mula 10 p.m. ng Dec. 8 hanggang 4 a.m. ng Dec. 9, partikular na sa Ortigas Pawnshop malapit sa Junction para sa line meter replacement;

  • Bahagi ng Barangay Hulo (Purok 32-38 and Purok 48-60) sa Mandaluyong City mula 10 p.m. ng Dec. 13 hanggang 4 a.m. ng Dec. 14 sa F. Blumentritt para sa leak repair.

Inabisuhan naman ng water company ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa nasabing service improvement activity.

Kapag naibalik na ang water service, inaabisuhan ang mga apektadong kustomer na i-flush ang kanilang toiletso hayaang dumadaloy ang tubig sa gripo sa loob ng ilang minuto hanggang maging malinaw.

Para sa updates o concerns, mako-contact ang Manila Water sa Customer Care Hotline nito: 1627. RNT/SA