Ilang lugar sa Davao de Oro lubog sa baha, nagka-lanslide

Ilang lugar sa Davao de Oro lubog sa baha, nagka-lanslide

March 15, 2023 @ 12:33 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Binaha at nagka-landslide sa ilang lugar sa Davao De Oro dahil sa pag-uulang dulot ng isang Low Pressure Area (LPA).

Nasa 26 pamilya sa Mawab ang inilakas habang nawasak din ang tulay sa nasabing lugar.

Sa Compostela naman, umapaw ang isang sapa na naging sanhi ng pagbaha sa mga kalapit na kalsada.

Binalot naman ng makapal na putik ang kabahayan at kalsada sa New Bataan matapos ang pagguho ng lupa roon.

Nagka-landslide din sa munisipyo ng Nabunturan. Ilang bahay ang nasira nang tamaan ng debris, at binaha rin ang isang gym na nagsisilging evacuation center ng mga apektado ng mga nakaraang lindol. RNT