Ilang lugar sa Luzon, Visayas uulanin sa shear line, amihan

Ilang lugar sa Luzon, Visayas uulanin sa shear line, amihan

January 27, 2023 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan na naman sa ilang lugar sa Luzon at Visayas ang shear line at northeast monsoon o amihan.

Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Enero 27

kung saan ang Eastern Visayas, Aklan, Capiz, Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, Palawan, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.

Maulap na kalangitan rin na may mga pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil naman sa northeast monsoon.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan dahil din sa amihan, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay may maulap na kalangitan at isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms. RNT/JGC