Ilang lugar sa Navotas, Caloocan, #WalangTubig ‘gang Enero 12

Ilang lugar sa Navotas, Caloocan, #WalangTubig ‘gang Enero 12

January 10, 2023 @ 11:17 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na makakaranas ng water interruption ang ilang bahagi ng lungsod ng Navotas at Caloocan dahil sa network maintenance activities nito mula Enero 9 hanggang 12.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Maynilad na ang maintenance activities ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nito na mapabuti ang serbisyo ng tubig sa West Zone.

Mula 11 p.m. ng Enero 9 hanggang 4 ng umaga ng Enero 10, ang mga apektadong lugar ay ang Barangay Bangkulasi sa Navotas Cty, partikular sa Alpha corner Northbay; Barangay 24, 27, 28 at 31, partikular sa Marcela corner Perpetua; at Barangay 12 at 14, partikular sa Langaray East corner Dagat-Dagatan, lahat sa Caloocan City.

Mula 11 p.m. ng Enero 11 hanggang alas-4 ng umaga ng Enero 12, ang mga apektadong lugar ay ang Barangay Daanghari at Tanza sa Navotas City, partikular sa Rodriguez corner Capt. Cruz; at Barangay 36 hanggang 38 at 43 sa Caloocan City, partikular sa 4th Avenue corner D. Aquino corner Nadurata.

Ang mga apektadong customer ay pinayuhan na mag-imbak ng sapat na tubig para sa tagal ng pagkaputol ng tubig.

Sinabi ng Maynilad na may mga water tanker na naka-standby at handang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan. RNT