Ilang lungsod sa NCR makararanas ng water interruption simula bukas

Ilang lungsod sa NCR makararanas ng water interruption simula bukas

July 14, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang makararanas ng water interruption ang ilang lungsod sa Metro Manila simula bukas, July 15 hanggang sa Sabado, July 16.

Kinakailangan kasing magsagawa ng urgent repair works ang Maynilad makaraang tamaan ng Triple 8 Construction & Supply Inc., third-party contractor na nagsasagawa ng drainage project, ang tubo ng tubig ng Maynilad sa bahagi ng Pureza Street kanto ng Abad Santos sa lungsod ng Maynila.

Posibleng abutin ng 18 hanggang 36 na oras ang pagkukumpuni.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng water interruption ang ilang lugar sa Maynila, Makati, Pasay, Las Piñas at Parañaque.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni sa water pipe. RNT/ JCM