Ilang mga flights, kanselado

Ilang mga flights, kanselado

July 17, 2018 @ 11:36 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines- Kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Henry at ng habagat na naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon, ilang domestic flights ang kinansela ngayong Martes (July 17).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga sumusunod ang mga kanseladong flights (as of 8am):

Cebu Pacific Air

5J 513 Manila – San Jose, Mindoro

5J 514 San Jose, Mindoro – Manila

Nauna na rito, isinailalim ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa orange rainfall warning ang Metro Manila, Bataan, Bulacan at Batangas habang nasa ilalim naman ng yellow rainfall warning ang Rizal, Cavite, Pampanga at Zambales.

Patuloy naman na nakataas ang signal no. 1 sa Batanes kung saan namataan ang bagyong Henry sa 75 kilometers kanluran-timogkanluran ng Calayan, Cagayan. May dalang hangin ang bagyo na nasa 60 kilometers per hour (kph) at bugso na nasa 75 kph. (Remate News Team)

 

Gumagalaw ito sa bilis na 20kph papuntang kanluran-hilagangkaluran.