Ilang mga kongresista, nagkasigawan

Ilang mga kongresista, nagkasigawan

July 25, 2018 @ 5:19 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Muling nagka-tensyon sa plenaryo ng Kamara nang isalang ang House Resolution na nagluluklok kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Speaker ng Kamara.

Bago nagkabotohan tumayo si Majority Floorleader Rodolfo Farinas upang kwestyunin kung bakit hindi dumaan sa Rules Committee ang nasabing resolusyon.

Nang magdiretso pa rin si Deputy Speaker Rolando Andaya at hindi pakinggan si Farinas ay tumayo si ACT Teacher Rep. Antonio Tinio at sumigaw ng “I object.  Dati pinagpatayan ninyo ako ng mikropono. Mahiya naman kayo.”

Kasabayan ito ng pagsigaw rin ni Farinas na ” I object ”

Ipinaliliwanag ni Farinas na noong Lunes at Martes ay hindi pa naman pinapalitan ang Majority Leader kung kaya siya pa rin dapat ang magpapasok ng resolusyon sa Order of Business bilang chairman din ng Rules Committee.

Ngunit naaprubahan pa rin ang resolusyon at agad nagsuspwndi ng sesyon.  (Meliza Maluntag)