Ilang money transfer fees sa BPI mobile app, ililibre hanggang Setyembre

Ilang money transfer fees sa BPI mobile app, ililibre hanggang Setyembre

July 31, 2020 @ 1:17 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ililibre ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang mga bayarin sa ilang piling money transfer transactions nito sa kanilang mobile application hanggang Setyembre.

Ayon sa BPI, wala ng babayaran para sa paggamit ng InstaPay money transfer at fund transfer sa iba pang BPI accounts kapag gumagamit ng BPI mobile app hanggang Setyembre 30.

Ang InstaPay at PesoNet ay mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas National Retail Payment System.

Matatandaang hinikayat ng BSP ang mga bangko na akuin na muna ang mga bayarin sa kanilang mga digital transaction para sa consumers upang makaiwas na sa COVID-19.

Una nang sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na tumaas na ang kahalagahan ng digital transactions ngayong panahon ng pandemya. RNT/LF

Comment (1)

  • ปั้มไลค์ Reply

    Like!! I blog quite often and I genuinely thank you for your information. The article has truly peaked my interest.

    July 31, 2020 at 2:09 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...