Ilang non-health workers sumisingit sa vaccination line – DOH exec



Ilang non-health workers sumisingit sa vaccination line – DOH exec

March 22, 2021 @ 2:54 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ibinuking ng isang health official, Lunes, na may ilang mga indibidwal umano na hindi health worker ang naiuulat na sumisingit sa listahan ng mga prayoridad at nagpapabuna na kontra COVID-19.

“We have had reports of this and although we have been saying that this can’t be, because we have a prioritized vaccination in terms of the healthcare workers, but this has been observed. The numbers are very insignificant, but we do see jumping the queue,” ani treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega sa interbyu sa ANC.

“This has been observed across the globe. There is a jump in the queue and we cannot avoid this oftentimes. Sometimes, it happens,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, mahigpit na iniatas sa regional offices at vaccination sites na huwag hayaan ang mga mapagsamantalang tao na sumisingit para mabakunahan.

“This is not what we agreed upon in terms of vaccine use and we all know that the priority for the vaccine use right now, because of the minimum supply that we have, is for the healthcare workers,” ayon pa kay Vega.

Sa itinakdang prioritization list ng gobyerno sa mababakunahan, uunahin muna ang mga healthcare worker kasunod ang mga matatanda.

Sa itinakdang prioritization list ng gobyerno sa mababakunahan, uunahin muna ang mga healthcare worker kasunod ang mga matatanda, maging ang mga indibidwal na may comorbidities. RNT


  •  
  •  
  •