Ilang opisyal ng attached agency ng DOTr, itinalaga ni PBBM

Ilang opisyal ng attached agency ng DOTr, itinalaga ni PBBM

July 20, 2022 @ 5:59 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga opisyal na mamumuno sa ilang attached agencies ng Department of Transportation (DOTr), kabilang ang Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Civil Aeronautics Board ( CAB), Office for Transportation Security (OTS), at Maritime Industry Authority (MARINA).

Sa appointment letter na nilagdaan ni Executive Secretary Victor D. Rodriguez, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si G. Cesar Chiong bilang Acting General Manager ng MIAA.

Para sa CAAP, itinalaga naman si Edgardo Diaz bilang Deputy Director General for Operations, habang magsisilbi bilangDeputy Director General for Administration and Finance si Manuel Antonio Tamayo.

Ang Civil Aeronautics Board (CAB) ay mananatili sa pamumuno ni Executive Director Carmelo Arcilla.

Samantala, ang Office for Transportation Security (OTS) ay sasailalim sa bagong Administrator na si G. Ma. O Ranada Aplasca.

Para sa Maritime Industry Authority (MARINA), hinirang ni Pangulong Marcos ang bagong administrator nito na si G. Hernani Nieves Fabia. Jocelyn Tabangcura-Domenden