Ilang palengke sa Pangasinan isasara para sa disinfection at paglilinis

Ilang palengke sa Pangasinan isasara para sa disinfection at paglilinis

September 25, 2020 @ 5:36 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Pangasinan, Philippines – Nagtakda ng araw ng pagsasara ang ilang palengke sa lalawigan ito para magbigay raan sa mga gagawing disinfection at cleanup.

Ang City Government ng Dagupan ay noon pang September 19 nag-anunsyo ng pagsasara ng kanilang palengke kada una at pangatlong Huwebes ng buwan.

Sumunod namang nag-anunsyo ang local government unit ng Lingayen ng kanilang Market Holiday tuwing Lunes simula September 28 alinsunod sa Executive Order No. 62 – 2020.

Ayon sa Lingayen Information Office, ang mga parmasya o botika na sakop ng pamilihang bayan ay exempted sa naturang kautusan ngunit hinihikayat ding magsagawa ng paglilinis sa kanilang stall.

Nagbigay naman ng schedule ng pamamalengke sa bawat barangay ang bayan ng Calasiao.

Gayunman, mahigpit na ipinaalala sa mga residente ang No Face shield, No Face mask, No Entry sa pagpunta nila sa palengke.

Ngayong araw naman ang nakatakdang pagbubukas ng ilang parte ng pamilihang bayan ng Bayambang.

Kasama sa mga magbubukas ang Block 3 o ang meat at fish section pati na rin ang canteen.

Ito ay matapos na magsara ang naturang pamilihan ng dalawang Linggo dahil sa isinagawang decontamination operations matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang meat vendor sa lugar. Rolando Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...