Ilang pang lugar sa Caloocan isinailalim sa granular lockdown

Ilang pang lugar sa Caloocan isinailalim sa granular lockdown

September 15, 2021 @ 7:57 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga lugar  na isasailalim sa granular lockdown sa lungsod ng Caloocan dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Sa executive order na inilabas ng lokal na pamahalaan, isasailalim sa granular lockdown ang mga sumusunod:

  • 6th Atreet, 9th Avenue sa Barangay 104

  • Isang compound sa Espina Street sa Barangay 177

  • Amparo Compound sa Barangay 171

Base sa ulat, kasalukuyang 25 aktibong kaso ng COVID-19 ang binabantayan sa Barangay 104; habang may 273 aktibong kaso sa Barangay 177; at 238 aktibong kaso naman sa Barangay 171.

Nagsimula ang lockdown nitong Lunes, Setyembre 13 at magtatagal hanggang Setyembre 26.

Suspendido na rin ang quarantine pass kung saan papayagan lamang makalabas ang health worker, Philippine National Police personnel, at mga empleyado ng gobyerno.

Sinabing sasagutin na rin ng lokal na pamahalaan ang mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente. Natakda ring i-swab test ang mga ito.

Samantala, pinalawig pa ng isang linggo ang lockdown sa J. Ramos Street sa Barangay 7 matapos makapagtala ng 25 index covid-19 cases sa nasabing lugar. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •