Ilang parte ng Cagayan, Isabela isinailalim sa Signal no. 3 kay #FloritaPh

Ilang parte ng Cagayan, Isabela isinailalim sa Signal no. 3 kay #FloritaPh

August 23, 2022 @ 6:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ngayong Martes, Agosto 23, sa iba’t ibang lugar sa Cagayan at Isabela bunsod ng bagyong Florita na itinaas na rin bilang Severe Tropical Storm, base sa pagtataya ng PAGASA.

Kabilang sa mga lugar na nasakasailalim sa signal no. 3 ay:

  • ang northern at  eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lal-Lo, Baggao, Peñablanca, Gattaran, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita); and

  • ang eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan).

Ibinabala rin ng PAGASA ang pag-landfall ni Florita sa silangang baybayin ng Cagayan o northern Isabela ngayong umaga.

Nakataas naman ang TCWS No. 2 sa:
  • nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands;

  • nalalabing bahagi ng Isabela;

  • Quirino;

  • sa  eastern at central portions ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Ambaguio, Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Alfonso Castaneda);

  • Apayao;

  • Abra;

  • Kalinga;

  • Mountain Province;

  • Ifugao;

  • the northern portion of Benguet (Bakun, Kibungan, Buguias, Kabayan, Mankayan, Bokod, Atok);

  • Ilocos Norte;

  • Ilocos Sur; at

  • sa northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora).

Habang TCWS No. 1 sa:

  • Batanes;

  • nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya;

  • nalalabing bahagi ng Benguet;

  • La Union;

  • Pangasinan;

  • sa eastern portion ng Tarlac (San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Ramos, Pura, Victoria, La Paz, City of Tarlac, Concepcion);

  • Nueva Ecija;

  • nalalabing bahagi ng Aurora;

  • sa eastern portion ng Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba);

  • sa eastern portion ng Bulacan (San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Rafael, Angat, Norzagaray, City of San Jose del Monte);

  • sa eastern portion ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, City of Antipolo, Tanay, Baras);

  • sa northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag) including Polillo Islands;

  • sa northern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete); and

  • Camarines Norte.

Nitong alas-4 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa 120 km east northeast ng Casiguran, Aurora.

May baon itong maximum sustained winds sa 95 km/h malapit sa sentro at bugsong aabot sa 115 km/h, at central pressure na 992 hPa.

Bunsod ng epekto ng bagyo, uulanin ng heavy to intense na may pagbugsong torrential rain ang Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Zambales ngayong Martes.

Ang northern portion ng Aurora, Bataan, Tarlac, at nalalabing bahagu ng Cagayan Valley ay makararanas ng ‘moderate to heavy with at times intense rains.’

Habang ang Metro Manila, Calabazon, Camarines Norte, aat nalalabing bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng ‘light to moderate with at times heavy rains.’

Pinalalakas din ni Florita ang Habagat na makaaapekto sa 24 oras na pag-ulan sa Western Visayas, Mimaropa at nalalabing bahagi ng Bicol Region.

Sinabi ng PAGASA na babagtasin ni Florita nang unti-unting pagpapabilis ang direksyong pahilagang-kanluran.

Matapos ang pag-landfall nito sa paligid ng silangang baybayin ng Cagayan o hilagang Isabela, tatawid ang Florita sa Northern Luzon, pagkatapos ay lalabas sa West Philippine Sea sa Martes ng gabi.

Maaaring bahagyang humina ang tropical cyclone pagkatapos ng landfall dahil sa frictional effects ng masungit na terrain ng Northern Luzon.

Gayunpaman, inaasahang lalakas pa ito sa oras na makarating sa West Philippine Sea.

Si Florita ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of ​​Responsibility sa Miyerkules ng umaga. RNT