Ilang parte ng NCR, Rizal #WalangTubig sa Enero 25-26

Ilang parte ng NCR, Rizal #WalangTubig sa Enero 25-26

January 25, 2022 @ 7:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Pasig City, Makati City, Marikina City, Quezon City, Taytay, Angono, at Binangonan sa Rizal mula Enero 25 hanggang 26, base sa anunsyo ng Manila Water Company Inc.

Ang dahilan ng water concessionaire sa #WalangTubig ay dahil sa isasagawang line maintenance at declogging activity sa mga sumusunod na lugar:

  • Parte ng Barangays Kapitolyo, Bagong Ilog, Pineda, San Antonio, Oranbo, and Rosario sa Pasig City

  • Parte ng Brgy. Pembo sa Makati City

  • Parte ng Barangays Holy Spirit, Bagong Pag-asa sa Quezon City

  • Parte ng Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal

  • Parte ng Brgy. Pag Asa sa Binangonan, Rizal

  • Parte ng Brgy. San Roque sa Angono, Rizal

  • Parte ng Brgy. West Rembo sa Makati City

  • Parte ng Brgy. Nangka sa Marikina City

Inabusihan ang mga maapektuhang kustomer na mag-ipon na ng tubig. RNT