Ilang pasahero istranded pa rin sa Manila North Port Harbor

Ilang pasahero istranded pa rin sa Manila North Port Harbor

November 1, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Limang araw nang stranded ang mga pasahero patungo sa Bacolod sa Manila North Port Harbor Terminal.

Binigyan sila ng 2GO shipping line ng scheduled trip sa Nobyembre 4, dahil fully booked na biyahe ngayong Martes.

Kanselado ang biyahe nila na dapat sana ay noong pang Oktubre 28 dahil sa tropical storm Paeng.

Karamihan sa kanila ang dismayado dahil dito dahil sapat lamang ang kanilang pagkain at pera para sa kanilang biyahe pauwi ng probinsya.

Binigyan naman sila ng food packs at tulong ng Department of Social Welfare and Development, Philippine Red Cross at iba pang church groups, subalit tumagal lamang ito ng ilang araw.

Nagrereklamo rin ang mga pasahero dahil ginawa nitong prayoridad ang mga pasahero na naka-book ngayong Nobyembre 1, sa halip umano na ang mga indibidwal na stranded mula pa Oktubre 28. RNT/SA