Ilang pasahero sa terminal, inararo ng Ceres Bus

Ilang pasahero sa terminal, inararo ng Ceres Bus

July 5, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


DUMAGUETE – Sugatan ang ilang pasahero makaraang araruhin ng Ceres Bus sa Dumaguete City, hapon ng Martes.

Mabilis umano ang takbo ng bus na nagdire-diretso at sumampa pa sa passenger waiting area sa loob mismo ng Ceres Bus Terminal.

Ayon sa inisyal na ulat, ilang pasaherong naghihintay sa terminal ang nasugatan kabilang ang mga bata na pumailalim pa sa bus. RNT/ JCM

(Photo credit to Jeka dela Cerna)