Ilang pasahero stranded pa rin sa Matnog port sa sama ng panahon

Ilang pasahero stranded pa rin sa Matnog port sa sama ng panahon

December 11, 2021 @ 5:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Ilang pasahero ang stranded pa rin sa Matnog port sa Bicol region dahil nanatili pa ring masungit ang panahon.

Ayon sa latest maritime monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong hapon, nasa 558 pasahero kasama ang  drivers at helpers ang stranded sa pantalan.

Stranded din ang  1,094 na rolling cargoes.

Sa ngayon, nanatiling moderate to rough ang kondisyon ng karagatan sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, may biyahe naman ang mga barko ngunit ‘delayed trips’ kaya may mga stranded. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)