Ilang Pinoy farmers, nagpapatiwakal sa pagkalugi – grupo

Ilang Pinoy farmers, nagpapatiwakal sa pagkalugi – grupo

January 17, 2023 @ 5:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagdulot ng matinding “emotional stress” ang estado ng agriculture sector, kung saan nakapagtala ang mga magsasaka ng malakihang crop losses, sa lokal producers.

Sa Senate hearing nitong Lunes, sinabi ni Elvin Laceda, national president ng Young Farmers Challenge Club of the Philippines, na limang magsasaka ang nag-suicide sa Bayambang, Pangasinan.

Dumalo sa hearing ang asawa ng isa sa magsasaka ng sibuyas na si Nanay Merly (hindi tunay na pangalan) na siya nang nagpapatakbo ng bukid ng kanilang pamilya matapos magpakamatay ng kanyang asawa noong 2022.

Ito ay matapos ma-bankrupt ng kanilang farm matapos pestehin ng harabas o army worms ang kanilang mga pananim.

“Milyon-milyon po ang utang nila dahil sa harabas, army worm. Ngayon pa lang sila sana nakabawi pero dahil may importation po, wala pang 100 days, pero kailangan nang i-harvest, 85-90 days,” pahayag ni Laceda.

“‘Yung storya ni Nanay, sana hindi na maulit sa ibang magsasaka,” dagdag niya.

Inihayag ng Department of Agriculture na inaprubahan ni Pnagulong Ferdinand Marcos Jr. nang pag-aangkat ng 21,060 metric tons (MT) ng sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa mga pampublikong pamilihan.

Inaasahang darating ito ngayong buwan o sa unang linggo ng Pebrero.

Samantala, sa parehong hearing, inilahad ni municipal agriculturist Romel Calingasan ng San Jose, Occidental Mindoro na napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ang aning sibuyas sa halagang ₱8 halagang ₱15 kada kilo sa harvest season noong 2022 dahil sa cold storage shortage.

Malaon na nilang natuklasan na ibinebenta ng traders ang kanilang ani hanggang ₱700 kada kilo sa Metro Manila markets mula September hanggang December, ayon kay Calingasan. RNT/SA