Ilang probisyon sa Anti-Terror Law, labag sa batas – SC

Ilang probisyon sa Anti-Terror Law, labag sa batas – SC

December 9, 2021 @ 12:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Idineklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang ilang probisyon ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act o ATA.

Sa abiso, sinabi ng Supreme Court na kabilang sa mga pinagbotohan at ang resulta ay ang mga sumusunod:

Sa botong 12-3, idineklarang “unconstitutional” ang section 4 ng batas na nagsasaad ng “…which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety” dahil sa pagiging “overboard and violative” sa freedom of expression.

Habang sa botong 9-6, idineklarang “unconstitutional” ang section 25 paragraph 2 kung saan sinasabing “request for designations by other jurisdictions or supranational jurisdictions may be adopted by the ATC after determination that the proposed designee meets the criteria for designation of UNSCR No. 1373.”

Samantala, ang mga natitirang probisyon ng Anti-Terrorism Act ay kinategoryang konstitusyunal.

Hinihimok naman ng Korte Suprema ang publiko at mga partido na sangkot dito na hintayin ang publication, at basahin ng mabuti ang desisyon at magkakahiwalay na opinyon para sa eksplanasyon ng mga boto. Teresa Tavares